1. Isaisip ang isang bola ng puting liwanag sa ibabaw ng iyong ulo.
2. Isaisip ang pagbaba at pagtagos ng puting liwanag sa iyong ulo tungo sa iyong dibdib, kung saan ito ay bubuo ng isa pang bola ng puting liwanag.
3. Bigkasin nang may paggalang ang ngalan, salita o pariralang kakantahin, sapagkat ang mga ito ay kaloob sa atin ng mga anghel at espiritung mataas ang katungkulan.
Halimbawa:
Bigkasin mo nang may paggalang: A-DO-NA-I (ang wastong pagbigkas ay "A-do-NA-i"), na isa sa mga ngalang Ebreo ng Diyos.
4. Palutungin, o bigkasin nang mariin, ang bawat katinig, at patagalin nang tatlong segundo ang bawat patinig sa ngalan, salita o pariralang kakantahin.
halimbawa:
(a) A-A-A (tatlong segundo)
(b) D (palutungin)
(c) O-O-O (tatlong segundo)
(d) N (palutungin)
(e) A-A-A (tatlong segundo)
(f) I-I-I (tatlong segundo)
5. Panginigin ang lalamunan sa pagkanta ng bawat patinig sa ngalan, salita o parirala.
halimbawa:
(a) A-A-A (tatlong segundo, panginigin ang lalamunan)
(b) D (palutungin)
(c) O-O-O (tatlong segundo, panginigin ang lalamunan)
(d) N (palutungin)
(e) A-A-A (tatlong segundo, panginigin ang lalamunan)
(f) I-I-I (tatlong segundo, panginigin ang lalamunan)
6. Huwag lamang lalamunan ang panginigin kundi ang buong kalamnan, mula tuktok ng ulo hanggang talampakan. Palaganapin ang ngalan, salita o pariralang kinakanta sa buong katawan.
halimbawa:
(a) A-A-A (tatlong segundo, panginigin ang lalamunan at ang buong kalamnan)
(b) D (palutungin)
(c) O-O-O (tatlong segundo, panginigin ang lalamunan at ang buong kalamnan)
(d) N (palutungin)
(e) A-A-A (tatlong segundo, panginigin ang lalamunan at ang buong kalamnan)
(f) I-I-I (panginigin ang lalamunan at ang buong kalamnan)
7. Isaisip na ikaw ay nasa sentro ng buong sansinukuban, at ang ngalan, salita o parirala na iyong kinakanta ay umaabot sa lahat ng dulo ng buong sansinukuban.
halimbawa:
(a) A-A-A (tatlong segundo, panginigin ang lalamunan at ang buong kalamnan, ipaabot sa lahat ng dulo ng buong sansinukuban)
(b) D (palutungin)
(c) O-O-O (tatlong segundo, panginigin ang lalamunan at ang buong kalamnan, ipaabot sa lahat ng dulo ng buong sansinukuban)
(d) N (palutungin)
(e) A-A-A (tatlong segundo, panginigin ang lalamunan at ang buong kalamnan, ipaabot sa lahat ng dulo ng buong sansinukuban)
(f) I-I-I (tatlong segundo, panginigin ang lalamunan at ang buong kalamnan, ipaabot sa lahat ng dulo ng buong sansinukuban)
"Ipagsama ngayon ang pitong alituntunin at bigkasin ang ngalang - A-A-A-DO-O-O-NA-A-A-I-I-I"