Showing posts with label MGA PANIBAGONG ORASYON SA MAGICA CANTADA. Show all posts
Showing posts with label MGA PANIBAGONG ORASYON SA MAGICA CANTADA. Show all posts

MGA ORASYON PARA SA RITWAL NG KRUS NG QABBALA

1. Hawakan ang Punyal sa kanang kamay.

2. Tumayo sa silangang panig ng bilog at humarap doon.

3. Pumikit. Isaisip na marahan kang tumatangkad. Lampasan mo ang kisame, bubong at ang kalangitan hanggang sa ang mundo ay nagmistulang munting bola na lamang sa inyong paanan.

4. Isaisip at pakiramdam na ikaw ay nasa kalagitnaan ng buong sansinukuban.

5. Tumingala at pagmasdan ang isang bola ng puting liwanag sa ibabaw ng iyong ulo.

6. Ituon ang Punyal sa liwanag. Sa pamamagitan ng Punyal ay hilahing pababa ang liwanag. Ituon ang Punyal sa sentro ng inyong noo. Pakiramdaman ang pagbuhos ng puting liwanag sa loob ng iyong ulo samantalang kinakanta ang salitang Ebreo na "ATAH".

7. Ituon ang Punyal sa sentro ng iyong dibdib at sa sentro ng iyong ari. Pakiramdaman ang pagbuhos ng puting liwanag sa loob ng iyong katawan samantalang kinakanta ang salitang Ebreo na "MALKUTH".

8. Ang puting liwanag mula sa ibabaw ng iyong ulo ay patuloy na tatagos sa iyong ulo, katawan at sa mundo na nasa iyong paanan.

9. Muling ituon ang Punyal sa sentro ng iyong dibdib. Sa pamamagitan ng Punyal ay hilahing pakanan at pasangahin ang liwanag hanggang tumatagos ito sa iyong kanang balikat tungo sa kawalan. Kantahin ang salitang Ebreo "VEGEBURAH".

10. Muling ituon ang Punyal sa sentro ng iyong dibdib. Sa pamamagitan nito ay hilahing pakaliwa at pasangahin ang liwanag hanggang tumagos ito sa iyong kaliwang balikat tungo sa kawalan. Kantahin ang salitang Ebreo na "VEGEDULAH".

11. Ipagsalubong ang dalawang palad sa gitna ng iyong dibdib. Ituon ang Punyal sa kaitaasan. Kantahin ang mga salitang Ebreo na "LEOLAHM. AMEN".

12. Ikaw ngayon ay nakatayo sa sentro ng isang krus ng puting liwanag na tumatagos sa iyong katawan at sa buong sansinukuban. Ang krus na ito ay ang Krus ng Qabbala. Ang kahulugan ng mga salitang Ebreo na "ATAH MALKUTH, VEGEBURAH, VEGEDULAH, LEOLAHM. AMEN." ay "Sapagkat sa Iyo ang Kaharian, ang Kapangyarihan at ang Kaluwalhatian magpakailanman. Amen."


PAALALA:

Ang Punyal ay isang pangunahing kasangkapan sa pagsasagawa ng anumang uri ng magica. Ang talim na Punyal ay tuwid at matalas sa magkabilang gilid. Sa karaniwan, ang hawakan nito ay itim.



TALABIGKASAN NG MGA PILING PANGALAN AT SALITA (Part II)

INRI (IN-RI) - mga titik sa wikang Latin na ang kahulugan ay ang taguring "Hari ng mga Hudyo" kapag nasa itaas ng krusipiho, datapuwa't para sa mga mistiko ay may iba't iba pang mga kahulugan.

ISIS (AY-SIS) - pangalan ng isang diyosa ng sinaunang Ehipto.

KERUB (KE-RUB) - ang Prinsipe ng Elementong Lupa; pangalang Enochian.

LE OLAHM (LE-O-LAM) - "Magpakailanman at hanggang sa dulo ng panahon" sa wikang Ebreo.

LVX (LUKS)
- Liwanag, Ilaw sa wikang Latin.

MALKUTH (MAL-KUS) - ang Kaharian sa wikang Ebreo.

MEARAB (MI-A-RAB) - isa sa mga Korteng kinaluluklukan ng Diyos; pangalang Enochian.

MICHAEL (MI-KAY-EL) - pangalan ng isang arkanghel; pangalang Ebreo.

MIZRACH (MITZ-RAK) - isa sa mga Korteng kinaluluklukan ng Diyos; pangalang Enochian.

MPH ARSEL GAIOL (EM-PE-HE AR-SEL GA-I-OL) - ang Tatlo, Dakila at Lihim na mga Ngalan ng Diyos sa ilalim ng Bandila ng Kanluran; mga pangalang Enochian.

NAAOM (NA-A-O-EM) - Pinunong anghel ng Apoy sa Elementong Lupa; pangalang Enochian.

NANTA (EN-A-EN-TA) - pangalan ng Espiritu ng Elementong Lupa; pangalang Enochian.

NBOZA (EN-BO-ZOD-A) - Pinunong Anghel ng Himpapawid sa Elementong Lupa; pangalang Enochian.

NPHRA (EN-FRA) - Pinunong Anghel ng Tubig sa Elementong Lupa; pangalang Enochian.

NROAM (EN-RO-A-EM) - Pinunong anghel ng Lupa sa Elementong Lupa; pangalang Enochian.

OIP TEAA PEDOCE (O-I-PE TE-A-A PE-DO-KE) - ang Tatlo, Dakila at Lihim na mga Ngalan ng Diyos sa ilalim ng Bandila ng Timog; mga pangalang Enochian.

ORO IBAH AOZPI (O-RO I-BA-HA A-O-ZOD-PI) - ang Tatlo, Dakila at Lihim na mga Ngalan ng Diyos sa ilalim ng Bandila ng Silangan; mga pangalang Enochian.

OSIRIS (O-ZI-RIS) - pangalan ng isang diyos ng sinaunang Ehipto.

QABBALA (KA-BA-LA) - isang sistema ng paniniwala tungkol sa Diyos, sa Pagkapal, at sa iba't ibang daigdig at larangan ng Espiritu batay sa sinaunang karunungan ng mga Ebreo.

RA AGIOSEL (RA A-JI-O-SEL) - ang Hari ng Kanluran; pangalang Enochian.

RAPHAEL (RA-FA-YEL) - pangalan ng isang arkanghel; pangalang Ebreo.

SERAPH (SE-RAF) - ang Prinsipe ng Elementong Apoy; pangalang Enochian.

SHADDAI EL CHAI (SHA-DAY EL KAY) - isang Ngalan ng Diyos na ang kahulugan ay "Makapangyarihang Diyos na Maykapal" sa wikang Ebreo.

TALIAHAD (TA-LI-A-HAD) - isang anghel sa ilalim ng pamumuno ng arkanghel na si Gabriel; pangalang Enochian.

THARSIS (TAR-SIS) - ang Prinsipe ng Elementong Tubig; pangalang Enochian.

TZAPHON (TZA-FON) - isa sa mga Korteng kunaluluklukan ng Diyos; pangalang Enochian.

VEGEBURAH (V'GE-BU-RA) - "at ang kapangyarihan" sa wikang Ebreo.

VEGEDULAH (V'GE-DU-LA) - "at ang luwalhati" sa wikang Ebreo.

YEHESHUAH (YE-HE-SHU-A) - isang Ngalan ng Diyos, "ang Ngalang May Limang Titik", sa wikang Ebreo.

YEHOVASHAH (YE-HO-VA-SHA) - isang pagkakabaybay sa Ngalang Yeheshuah, sa wikang Ebreo.

YOD HEH VAV HEH / YHVH (YODE HE VAV HE) - YHWVH o Yahweh, isang Ngalan ng Diyos, "ang Ngalang May Apat ng Titik", sa wikang Ebreo.

YOD NUN RESH YOD (YODE NUN RESH YODE) - isang pagkakabaybay sa mga titik na Latin ng "INRI" sa wikang Ebreo.


LAGING TANDAAN:

Kapag MALAKI ANG TITIK ng ngalan, salita o parirala sa mga sumusunod na orasyon, ang mga pangalan o salitang ito ay dapat kantahin.


TALABIGKASAN NG MGA PILING PANGALAN AT SALITA (Part I)

ADONAI HA ARETZ (A-DO-NA-I-HA-A-RETZ) - isang ngalan ng Diyos na ang kahulugan ay "Panginoon ng Lupa" sa wikang Ebreo.

AGLA (A-GA-LA) - isang ngalan ng Diyos na ang kahulugan ay "Kayo ay dakila magpakailanman, aking Panginoon" sa wikang Ebreo.

ALEPH LAMED AL (AL-EPH LAM-ED AL) - daglat ng AGLA sa mga titik na Ebreo.

APOPHIS (A-PO-FIS) - isang masamang nilalang sa sinaunang Ehipto.

ARAL (A-RAL) - isang anghel sa ilalim ng pamumuno ng arkanghel na si Michael.

ARARITA (A-RA-RI-TA) - isang ngalan ng Diyos na ang kahulugan ay "Isa ang Pinagmulan, Isa ang Katauhan, Isa ang Bilang" sa wikang Ebreo.

ATAH (A-TA) - "Ikaw (Kayo) ay" sa wikang Ebreo.

ARIEL (A-RI-EL) - ang Prinsipe ng Elementong Himpapawid; pangalang Enochian.

AURIEL (OR-I-EL) - pangalan ng isang arkanghel; pangalang Ebreo.

BANAA (BE-AN-A-A) - pinunong Anghel ng Apat na Anghel ng Apoy sa Elementong Tubig; pangalang Enochian.

BATAIVAH (BA-TA-I-VA-HA) - ang Hari ng Silangan; pangalang Enochian.

BDOPA (BE-DO-PE-A) - pinunong Anghel ng Apat na Anghel ng Apoy sa Elementong Himpapawid; pangalang Enochian.

BITOM (BE-I-TO-EM) - pangalan ng Espiritu ng Elementong Apoy; pangalang Enochian.

BPSAC (BE-PE-ZA-KA) - pinunong Anghel ng Apat na Anghel ng Apoy sa Elementong Lupa; pangalang Enochian.

BZIZA (BE-ZOD-I-ZOD-A) - pinunong Anghel ng Apat na Anghel ng Apoy sa Elementong Apoy; pangalang Enochian.

CHASSAN (KA-SAN)
- isang anghel sa ilalim ng pamumuno ng arkanghel na si Raphael; pangalang Enochian.

DAROM (DA-ROM) - isa sa mga Korteng kinaluluklukan ng Diyos; pangalang Enochian.

EDEL PERNAA (E-DEL PER-NA-A) - ang Hari ng Timog; pangalang Enochian.

EHEIEH (E-HE-YE) - isang Ngalan ng Diyos na ang kahulugan ay "Ako ay" sa wikang Ebreo.

EL (EL) - isang Ngalan ng Diyos, o bahagi ng Ngalan ng Diyos, na ang kahulugan ay "Diyos" sa wikang Ebreo.

ELEXARPEH COMANANU TABITOM (ELEXARPEH COMANANU TABITOM) - "Ako ay Panginoon', ang wika ng Diyos ng Katarungan", sa wikang Enochian.

ELOAH VEDAATH (E-LO-A V'DA-AT) - isang Ngalan ng Diyos na ang kahulugan ay "Panginoong Diyos ng Karunungan" sa wikang Ebreo.

ELOHIM (EL-O-HIM) - isang Ngalan ng Diyos na ang kahulugan ay "Ang Panginoong Diyos" o "Ang Mga Diyos" sa wikang Ebreo.

EMOR DIAL HECTEGA (E-MOR DI-AL HEK-TE-GA) - ang Tatlo, Dakila at Lihim na mga Ngalan ng Diyos sa ilalim ng Bandila ng Hilaga; mga pangalang Enochian.

EMPEH ARSEL GAIOL (EM-PE AR-SEL GA-I-OL) - ang Tatlo, Dakila at Lihim na mga Ngalan ng Diyos sa ilalim ng Bandila ng Kanluran; mga pangalang Enochian.

ERZLA (E-RA-ZOD-LA) - pinunong anghel ng Himpapawid sa Elementong Himpapawid; pangalang Enochian.

ETNBR (ET-EN-BA-RA) - pinunong anghel ng Lupa sa Elementong Himpapawid; pangalang Enochian.

EXARP (EKS-AR-PE) - pangalan ng Espiritu ng Elementong Himpapawid; pangalang Enochian.

EXGSD (EX-JI-AZ-DA) - pinunong anghel ng Apoy sa Elementong Himpapawid; pangalang Enochian.

EYTPA (E-IT-POD-A) - pinunong anghel ng Tubig sa Elementong Himpapawid; pangalang Enochian.

GABRIEL (GA-BRI-EL) - pangalan ng isang arkanghel; pangalang Ebreo.

HADES (HEY-DIZ) - sa mitolohiya ng Gresya, ang Hari ng Madilim na Hantungan ng mga Kaluluwa.

HOOMA (HE-KO-MA) - pangalan ng Espiritu ng Elementong Tubig; pangalang Enochian.

HEKAS, HEKAS, ESTE BEBELOI (HE-KAS, HE-KAS, ES-TE BE-BE-LOY) - "Layas, layas dito, lahat ng masama!" sa wikang Ebreo.

HMAGL (HE-MA-GE-EL) - pinunong anghel ng Lupa sa Elementong Tubig; pangalang Enochian.

HNLRX (HE-NU-EL-REX) - pinunong anghel ng Apoy sa Elementong Tubig; pangalang Enochian.

HTAAD (HE-TA-A-DA) - pinunong anghel ng Himpapawid sa Elementong Tubig; pangalang Enochian.

HTDIM (HE-TA-DI-MA) - pinunong anghel ng Tubig sa Elementong Tubig; pangalang Enochian.

IAO (I-A-O) - ang Ngalan ng Kataas-taasang Diyos ng mga gnostiko, isang sinaunang pangkat ng mga Kristiyano.

IC ZOD HEH CHAL (I-KA ZOD-A HE KAL-A) - ang Hari ng Hilaga; pangalang Enochian.


PAANO BA ANG PAGKANTA NG MAGICA CANTADA?

1. Isaisip ang isang bola ng puting liwanag sa ibabaw ng iyong ulo.

2. Isaisip ang pagbaba at pagtagos ng puting liwanag sa iyong ulo tungo sa iyong dibdib, kung saan ito ay bubuo ng isa pang bola ng puting liwanag.

3. Bigkasin nang may paggalang ang ngalan, salita o pariralang kakantahin, sapagkat ang mga ito ay kaloob sa atin ng mga anghel at espiritung mataas ang katungkulan.



Halimbawa:

Bigkasin mo nang may paggalang: A-DO-NA-I (ang wastong pagbigkas ay "A-do-NA-i"), na isa sa mga ngalang Ebreo ng Diyos.


4. Palutungin, o bigkasin nang mariin, ang bawat katinig, at patagalin nang tatlong segundo ang bawat patinig sa ngalan, salita o pariralang kakantahin.

halimbawa:

(a) A-A-A (tatlong segundo)

(b) D (palutungin)

(c) O-O-O (tatlong segundo)

(d) N (palutungin)

(e) A-A-A (tatlong segundo)

(f) I-I-I (tatlong segundo)

5. Panginigin ang lalamunan sa pagkanta ng bawat patinig sa ngalan, salita o parirala.

halimbawa:

(a) A-A-A (tatlong segundo, panginigin ang lalamunan)

(b) D (palutungin)

(c) O-O-O (tatlong segundo, panginigin ang lalamunan)

(d) N (palutungin)

(e) A-A-A (tatlong segundo, panginigin ang lalamunan)

(f) I-I-I (tatlong segundo, panginigin ang lalamunan)


6. Huwag lamang lalamunan ang panginigin kundi ang buong kalamnan, mula tuktok ng ulo hanggang talampakan. Palaganapin ang ngalan, salita o pariralang kinakanta sa buong katawan.

halimbawa:

(a) A-A-A (tatlong segundo, panginigin ang lalamunan at ang buong kalamnan)

(b) D (palutungin)

(c) O-O-O (tatlong segundo, panginigin ang lalamunan at ang buong kalamnan)

(d) N (palutungin)

(e) A-A-A (tatlong segundo, panginigin ang lalamunan at ang buong kalamnan)

(f) I-I-I (panginigin ang lalamunan at ang buong kalamnan)


7. Isaisip na ikaw ay nasa sentro ng buong sansinukuban, at ang ngalan, salita o parirala na iyong kinakanta ay umaabot sa lahat ng dulo ng buong sansinukuban.

halimbawa:

(a) A-A-A (tatlong segundo, panginigin ang lalamunan at ang buong kalamnan, ipaabot sa lahat ng dulo ng buong sansinukuban)

(b) D (palutungin)

(c) O-O-O (tatlong segundo, panginigin ang lalamunan at ang buong kalamnan, ipaabot sa lahat ng dulo ng buong sansinukuban)

(d) N (palutungin)

(e) A-A-A (tatlong segundo, panginigin ang lalamunan at ang buong kalamnan, ipaabot sa lahat ng dulo ng buong sansinukuban)

(f) I-I-I (tatlong segundo, panginigin ang lalamunan at ang buong kalamnan, ipaabot sa lahat ng dulo ng buong sansinukuban)

"Ipagsama ngayon ang pitong alituntunin at bigkasin ang ngalang - A-A-A-DO-O-O-NA-A-A-I-I-I"




ANG THE MAGES OF THE DAWN

Ang The Mages of the Dawn ay itinatag noong 1997 bilang pangkat na nagsasaliksik tungkol sa iba't ibang paksa ng high magic, o magica alta (ritual magic at ceremonial magic). Nabibilang dito ang mga sumusunod:

1. Scrying o pagtitig sa tubig o sa bolang kristal.

2. Divination o pagbasa sa mga natatagong kaalaman sa pamamagitan ng mga barahang Tarot.

3. Paglikha ng mga tattwa, o mga tarhetang ginuhitan ng mga kinulayang simbolo ng limang Elemento (Lupa, Himpapawid, Apoy, Tubig at Espiritu), at paggamit dito bilang mga pintuan tungo sa mga daigdig na astral, o mga larangan ng mga espiritu.

4. Paglikha, pagdulot ng bisa at paggamit ng mga talisman, o anting-anting

5. Paglikha, pagdulot ng bisa at paggamit ng mga ritual at ceremonial objects, o mga kasangkapan sa magica alta tulad ng Baton ng Lotus, Pentakulo (ng Elementong Lupa), Punyal (ng Elementong Himpapawid), Baton (ng Elementong Apoy), Kopa (ng Elementong Tubig), Mahiwagang Tatsulok at Mahiwagang Salamin.

6. Pag-aaral ng magical pantheons, o mga sinaunang balangkas at sistema ng mga diyos at arketipo batay sa mga mitolohiya ng iba't ibang bansa.

7. Magical evocation, o panawagan sa mga espiritung mataas ang katungkulan.

Ang The Mages of the Dawn ay hindi nananawagan sa masasamang espiritu: sa kabuuang bilang na 72 espiritung nakatala sa Goetia (isa sa mga lumang aklat ng magica), nakikipag-ugnay sila sa 36 espiritu lamang at ang mga ito ay mabubuti.




ANG HERMETIC ORDER OF THE GOLDEN DAWN

Ang unang pangkat ng nagsaliksik, gumamit at nakinabang sa karunungan ni Thoth ay ang Frates Rosea Crucis, na itinatag ni Christian Rosenkreutz sa Alemanya noong 1398. Ito ay nagpalit ng pangalan nang bandang 1614 kung saan ito'y naging Rosicrucian Order. Isa sa mga layunin ng grupo ay ang panatilihing buhay ang Mistisismo, ang paniniwala na ang bawat tao ay may likas na kakayahang makaniig ang Diyos, makatamo ng kabanalan at makabahagi sa dalisay na katotohanan. Ayon sa Fratres Rosea Crucis, ito ay batay sa nakasulat sa Pentateuch sa wikang Ebreo - ang orihinal na unang Limang Aklat sa Santa Bibliya - na nagsasalarawan kung paano si Moises ay naging simuno ng lahat ng ito.

Ang Hermetic Order of the Golden Dawn ay itinuring na "apo" ng Frates Rosea Crucis, o ng Rosicrucian Order. Umiral ito sa pamumuno ng mga tulad nina MacGregor Mathers, Aleister Crowley, Israel Regardie at Dion Fortune bilang disiplinadong pamamaraan ng pag-aaral ng at pagdaranas sa magica. Ang kanilang mga miyembro ay nagsimula bilang Neophyte at umangat sa mga gradong Zelator, Theoricus, Practicus, Philosophus at Adepti. Marami silang kasangkapang ginamit sa pagsasagawa ng magica at masalimuot ang kanilang mga ritwal at seremonya.


HERMETIC MAGIC

Ang taguring "hermetic magic" ay batay sa pangalan ni Hermes, mensahero ng mga diyos sa Bundok Olympus ng sinaunang Gresya. Ama niya ang dili iba't si Zeus, na mismong pinuno sa Olympus. Ina niya si Maia, isang nimpa ng Bundok Arcadia.

Si Hermes ay nagsisilbing tagahudyat; bantay ng mga pagitan at ng mga daan; at gabay ng mga kaluluwa patungong Hades. Ang taguri sa kaniya sa sinaunang Roma ay Mercury, na siyang pinanggagalingan ng ngalan ng planetang yaon, ng pantanging mercurial, ng likidong mercury, ng mercury lamp at, oo, ng Mercury Drug. Ang hawak niyang "caduceus", o tungkod ng tagahudyat, na gawa sa kahoy ng oliba, may dalawang pakpak sa uluhan at pinupuluputan ng dalawang garland, o baging na dahon - na di naman lumaon ay hinalinhan ng imahen ng dalawang serpyente - ay siyang naging sagisag ng panggagamot hanggang sa kasalukuyang panahon. Dalawa pang bagay ang kinikilalang pag-aari niya: ang petasos, o malapad na sumbrero, na nagtataglay rin ng dalawang pakpak; at ang talaria, o mababang sapatos, na mayroon ding mga pakpak sa magkabilang bukung-bukong.

Sa tinagal ng panahon, si Hermes ay kinilala bilang Hermes Trismegistus, pangalang nagkaroon ng kaugnayan sa sinaunang Egyptian na diyos na si Thoth, ang tagatala ng mga diyos, tagapamahala ng panahon, tagalikha ng mga numero, o bilang - at hari ng magica. Ayon sa ilang mga aklat, ang karunungan ni Thoth (o ni Hermes Trismegistus) ay nakatala sa mga barahang Tarot.