TALABIGKASAN NG MGA PILING PANGALAN AT SALITA (Part II)

INRI (IN-RI) - mga titik sa wikang Latin na ang kahulugan ay ang taguring "Hari ng mga Hudyo" kapag nasa itaas ng krusipiho, datapuwa't para sa mga mistiko ay may iba't iba pang mga kahulugan.

ISIS (AY-SIS) - pangalan ng isang diyosa ng sinaunang Ehipto.

KERUB (KE-RUB) - ang Prinsipe ng Elementong Lupa; pangalang Enochian.

LE OLAHM (LE-O-LAM) - "Magpakailanman at hanggang sa dulo ng panahon" sa wikang Ebreo.

LVX (LUKS)
- Liwanag, Ilaw sa wikang Latin.

MALKUTH (MAL-KUS) - ang Kaharian sa wikang Ebreo.

MEARAB (MI-A-RAB) - isa sa mga Korteng kinaluluklukan ng Diyos; pangalang Enochian.

MICHAEL (MI-KAY-EL) - pangalan ng isang arkanghel; pangalang Ebreo.

MIZRACH (MITZ-RAK) - isa sa mga Korteng kinaluluklukan ng Diyos; pangalang Enochian.

MPH ARSEL GAIOL (EM-PE-HE AR-SEL GA-I-OL) - ang Tatlo, Dakila at Lihim na mga Ngalan ng Diyos sa ilalim ng Bandila ng Kanluran; mga pangalang Enochian.

NAAOM (NA-A-O-EM) - Pinunong anghel ng Apoy sa Elementong Lupa; pangalang Enochian.

NANTA (EN-A-EN-TA) - pangalan ng Espiritu ng Elementong Lupa; pangalang Enochian.

NBOZA (EN-BO-ZOD-A) - Pinunong Anghel ng Himpapawid sa Elementong Lupa; pangalang Enochian.

NPHRA (EN-FRA) - Pinunong Anghel ng Tubig sa Elementong Lupa; pangalang Enochian.

NROAM (EN-RO-A-EM) - Pinunong anghel ng Lupa sa Elementong Lupa; pangalang Enochian.

OIP TEAA PEDOCE (O-I-PE TE-A-A PE-DO-KE) - ang Tatlo, Dakila at Lihim na mga Ngalan ng Diyos sa ilalim ng Bandila ng Timog; mga pangalang Enochian.

ORO IBAH AOZPI (O-RO I-BA-HA A-O-ZOD-PI) - ang Tatlo, Dakila at Lihim na mga Ngalan ng Diyos sa ilalim ng Bandila ng Silangan; mga pangalang Enochian.

OSIRIS (O-ZI-RIS) - pangalan ng isang diyos ng sinaunang Ehipto.

QABBALA (KA-BA-LA) - isang sistema ng paniniwala tungkol sa Diyos, sa Pagkapal, at sa iba't ibang daigdig at larangan ng Espiritu batay sa sinaunang karunungan ng mga Ebreo.

RA AGIOSEL (RA A-JI-O-SEL) - ang Hari ng Kanluran; pangalang Enochian.

RAPHAEL (RA-FA-YEL) - pangalan ng isang arkanghel; pangalang Ebreo.

SERAPH (SE-RAF) - ang Prinsipe ng Elementong Apoy; pangalang Enochian.

SHADDAI EL CHAI (SHA-DAY EL KAY) - isang Ngalan ng Diyos na ang kahulugan ay "Makapangyarihang Diyos na Maykapal" sa wikang Ebreo.

TALIAHAD (TA-LI-A-HAD) - isang anghel sa ilalim ng pamumuno ng arkanghel na si Gabriel; pangalang Enochian.

THARSIS (TAR-SIS) - ang Prinsipe ng Elementong Tubig; pangalang Enochian.

TZAPHON (TZA-FON) - isa sa mga Korteng kunaluluklukan ng Diyos; pangalang Enochian.

VEGEBURAH (V'GE-BU-RA) - "at ang kapangyarihan" sa wikang Ebreo.

VEGEDULAH (V'GE-DU-LA) - "at ang luwalhati" sa wikang Ebreo.

YEHESHUAH (YE-HE-SHU-A) - isang Ngalan ng Diyos, "ang Ngalang May Limang Titik", sa wikang Ebreo.

YEHOVASHAH (YE-HO-VA-SHA) - isang pagkakabaybay sa Ngalang Yeheshuah, sa wikang Ebreo.

YOD HEH VAV HEH / YHVH (YODE HE VAV HE) - YHWVH o Yahweh, isang Ngalan ng Diyos, "ang Ngalang May Apat ng Titik", sa wikang Ebreo.

YOD NUN RESH YOD (YODE NUN RESH YODE) - isang pagkakabaybay sa mga titik na Latin ng "INRI" sa wikang Ebreo.


LAGING TANDAAN:

Kapag MALAKI ANG TITIK ng ngalan, salita o parirala sa mga sumusunod na orasyon, ang mga pangalan o salitang ito ay dapat kantahin.