1. Hawakan ang Punyal sa kanang kamay.
2. Tumayo sa silangang panig ng bilog at humarap doon.
3. Pumikit. Isaisip na marahan kang tumatangkad. Lampasan mo ang kisame, bubong at ang kalangitan hanggang sa ang mundo ay nagmistulang munting bola na lamang sa inyong paanan.
4. Isaisip at pakiramdam na ikaw ay nasa kalagitnaan ng buong sansinukuban.
5. Tumingala at pagmasdan ang isang bola ng puting liwanag sa ibabaw ng iyong ulo.
6. Ituon ang Punyal sa liwanag. Sa pamamagitan ng Punyal ay hilahing pababa ang liwanag. Ituon ang Punyal sa sentro ng inyong noo. Pakiramdaman ang pagbuhos ng puting liwanag sa loob ng iyong ulo samantalang kinakanta ang salitang Ebreo na "ATAH".
7. Ituon ang Punyal sa sentro ng iyong dibdib at sa sentro ng iyong ari. Pakiramdaman ang pagbuhos ng puting liwanag sa loob ng iyong katawan samantalang kinakanta ang salitang Ebreo na "MALKUTH".
8. Ang puting liwanag mula sa ibabaw ng iyong ulo ay patuloy na tatagos sa iyong ulo, katawan at sa mundo na nasa iyong paanan.
9. Muling ituon ang Punyal sa sentro ng iyong dibdib. Sa pamamagitan ng Punyal ay hilahing pakanan at pasangahin ang liwanag hanggang tumatagos ito sa iyong kanang balikat tungo sa kawalan. Kantahin ang salitang Ebreo "VEGEBURAH".
10. Muling ituon ang Punyal sa sentro ng iyong dibdib. Sa pamamagitan nito ay hilahing pakaliwa at pasangahin ang liwanag hanggang tumagos ito sa iyong kaliwang balikat tungo sa kawalan. Kantahin ang salitang Ebreo na "VEGEDULAH".
11. Ipagsalubong ang dalawang palad sa gitna ng iyong dibdib. Ituon ang Punyal sa kaitaasan. Kantahin ang mga salitang Ebreo na "LEOLAHM. AMEN".
12. Ikaw ngayon ay nakatayo sa sentro ng isang krus ng puting liwanag na tumatagos sa iyong katawan at sa buong sansinukuban. Ang krus na ito ay ang Krus ng Qabbala. Ang kahulugan ng mga salitang Ebreo na "ATAH MALKUTH, VEGEBURAH, VEGEDULAH, LEOLAHM. AMEN." ay "Sapagkat sa Iyo ang Kaharian, ang Kapangyarihan at ang Kaluwalhatian magpakailanman. Amen."
PAALALA:
Ang Punyal ay isang pangunahing kasangkapan sa pagsasagawa ng anumang uri ng magica. Ang talim na Punyal ay tuwid at matalas sa magkabilang gilid. Sa karaniwan, ang hawakan nito ay itim.