ANG THE MAGES OF THE DAWN

Ang The Mages of the Dawn ay itinatag noong 1997 bilang pangkat na nagsasaliksik tungkol sa iba't ibang paksa ng high magic, o magica alta (ritual magic at ceremonial magic). Nabibilang dito ang mga sumusunod:

1. Scrying o pagtitig sa tubig o sa bolang kristal.

2. Divination o pagbasa sa mga natatagong kaalaman sa pamamagitan ng mga barahang Tarot.

3. Paglikha ng mga tattwa, o mga tarhetang ginuhitan ng mga kinulayang simbolo ng limang Elemento (Lupa, Himpapawid, Apoy, Tubig at Espiritu), at paggamit dito bilang mga pintuan tungo sa mga daigdig na astral, o mga larangan ng mga espiritu.

4. Paglikha, pagdulot ng bisa at paggamit ng mga talisman, o anting-anting

5. Paglikha, pagdulot ng bisa at paggamit ng mga ritual at ceremonial objects, o mga kasangkapan sa magica alta tulad ng Baton ng Lotus, Pentakulo (ng Elementong Lupa), Punyal (ng Elementong Himpapawid), Baton (ng Elementong Apoy), Kopa (ng Elementong Tubig), Mahiwagang Tatsulok at Mahiwagang Salamin.

6. Pag-aaral ng magical pantheons, o mga sinaunang balangkas at sistema ng mga diyos at arketipo batay sa mga mitolohiya ng iba't ibang bansa.

7. Magical evocation, o panawagan sa mga espiritung mataas ang katungkulan.

Ang The Mages of the Dawn ay hindi nananawagan sa masasamang espiritu: sa kabuuang bilang na 72 espiritung nakatala sa Goetia (isa sa mga lumang aklat ng magica), nakikipag-ugnay sila sa 36 espiritu lamang at ang mga ito ay mabubuti.